12

Jul 23, 2020 @ 15:18
By

Mga minahan na sinara ni Lopez bubuksan ni Cimatu

Papayagang muling magbukas ang ilan sa mga mining company na sinara o sinuspinde ni nasirang Environment Secretary Gina Lopez.

Wika ni kasalukuyang Environment Secretary Roy Cimatu, nasa 13 mining firm ang nirebyu ng kanilang ahensiya at binigyan ng mga corrective measure para makapag-operate na muli.

14 iba pa naman aniya ang in-audit ng Office of the President.

Samantala, hindi tinukoy ng kalihim kung aling mga mining company ang papayagang magbalik-operasyon.

“Iyong mga napunta sa amin sa DENR, dumaan na ito sa audit team, mayroon na silang recommendation,” sabi ni Cimatu sa isang pre-SONA forum, Miyerkoles.

“Mayroong iba naka-comply na sa corrective measures, mayroong hindi pa. So yung ibang hindi pa, itutuloy naman nila iyong compliance nila before they can be allowed to open,” aniya pa.

Ang paga-audit ay ginawa nina Cimatu matapos umanong umapela ang mga mining company na payagan silang magbalik-operasyon.

Sa maikli niyang termino noong 2017, kinasa ni Lopez–isang anti-mining advocate–ang kontrobersiyal na industry-wide environmental audit.

Matapos ito, pinag-utos niya ang pagpapasara at suspensiyon ng 26 minahan dahil sa umano’y paglabag sa environmental standards, kabilang ang Philippine Mining Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?