82
Mga military truck, bus magsasakay ng mga stranded na pasahero
Mar 17, 2020 @ 18:33
By

Mga military truck, bus magsasakay ng mga stranded na pasahero

Nag-deploy na ng mga trak ng militar at bus para sa mga pasaherong walang masasakyan dahil sa Luzon-wide enhanced community quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakarating sa Malacañang ang mga ulat hinggil sa mga stranded na empleyado at mga health worker sa unang araw ng enhanced community quarantine nitong Marso 17 kaya agad silang nakipag-ugnayan kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana para maglabas ng mga army truck at magsakay ng mga na-stranded.

“We immediately communicated such concern to the Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana and the latter swiftly directed the Armed Forces of the Philippines to bring out their army trucks to ferry those who are stranded, particularly health workers and other individuals exempted from the ban, so they can be safely brought to their places of work and their homes after work,” ani Panelo.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang Metro Manila Development Authority sa iba’t ibang kumpanya ng bus para rin magsakay nang libre.

“They have started to send out their buses after marking the same with the official logo of the MMDA to put law enforcement agents on notice of their purpose of free public service in favor of those exempted from home quarantine,” dagdag ni Panelo.

Noong Marso 16 nang ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “enhanced community quarantine” sa Luzon.

Sa ilalim nito, lahat ng public transport ay suspendido at lahat ay kailangang manatili sa bahay para maawat ang pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?