47

Mar 24, 2020 @ 21:28
By

Mga military hospital, i-convert na COVID center – Pangilinan

Dahil full capacity na ilang mga ospital sa Metro Manila tulad ng Makati Medical Center, St. Luke’s at Medical City, dapat na aniyang gawing COVID center ang mga military hospital sa Metro Manila, ayon kay Senador Francis Pangilinan.

Ilan aniya dito ay ang Victorian Luna Medical Center at Veterans Memorial Medical Center na parehong matatagpuan sa Quezon. Mainam din aniyang gawing COVID center ang Quezon Institute.

“Ngayon pa lang, napupuno na ang mga ospital at lumalaki ang kailangang espasyo para sa mga pasyente,” sabi ni Pangilinan.

“Gamitin ang mga military hospital tulad ng V Luna Medical Center at Veterans’ Memorial Medical Center at maging ang Quezon Institute para sa malulubhang karamdaman; hindi lang yung tinamaan ng COVID, kundi pati mga nagda-dialysis, emergency cases, at cancer patients,” dagdag nito.

Sabi pa ni Pangilinan, maganda ring gawing isolation center ang malalawak na espasyo tulad ng Rizal Memorial sa Maynila, Ultra sa Pasig City, PICC sa Pasay City at iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?