18

By

Mga militante sumugod sa Camp Crame para kondenahin ang pagpapaaresto sa 4 ex-solons

Sharing is caring!

Nagkilos-protesta ang iba’t ibang militanteng grupo sa Camp Crame sa Quezon City ngayong araw upang tuligsain ang nakatakdang pag-aresto sa apat na makakaliwang dating mambabatas sa kasong murder.

Kinondena ng mga ito ang umano’y political persecution kina Liza Maza, na dating Gabriela Women’s Party representative at ngayo’y National Anti Poverty Commission secretary; Rafael Mariano; Satur Ocampo, at Teddy Casiño.

Kabilang sa iba’t ibang organisasyon na nagprotesta ang Gabriela.

Giit ng mga ito, gawa-gawa lang umano ang kaso ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na isang pamamaraan umano ng rehimeng Duterte para busalan ang mamamayang lumalaban dahil sa patuloy na paglakas at paglawak ng sambayanang humihiyaw bunga na rin ng mga anti-mamamayang polisiya ng kasalukuyang administrasyon na lalo umanong nagpapahirap sa taumbayan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?