rally3
By

Mga militante, sa gilid ng kalsada na lang nananghalian

Sharing is caring!

Kanya-kanyang diskarte ang mga raliyista na sumama sa rally sa Mendiola para lamang makapananghalian.

Ito’y dahil sarado ang mga fast food chain sa paligid kung saan nagsasagawa ng kanilang mga programa ang iba’t ibang militanteng grupo.

Salu-salong kumain gamit ang plastik at nagkamay na lamang para sa pananghalian ang mga militanteng grupo na nanggagaling pa sa iba’t ibang lugar.

Tuloy-tuloy pa rin ang programa ng mga militanteng grupo habang ang ibang kasamahan nila ay nananghalian sa gilid ng Mendiola.

Ang ibang militanteng grupo ay sa kani-kanilang sinasakyang arkiladong jeep kumain ng pananghalian dahil napagod na ang mga ito sa kanilang paglalakad mula Welcome Rotanda patungo sa Mendiola.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?