23

Mar 17, 2021 @ 8:27

Mga militante sa Amerika pinrotesta Calabarzon raid

NEW YORK – Nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang ibat-ibang militanteng grupo sa Estados Unidos para kondenahin ang pagpatay sa mga aktibistang grupo.

Tinawag na massacre ng grupong Bayan-USA, Malaya Movement at International Coalition of human rights ang ginawang operasyon ng mga awtoridad sa Southern Tagalog na ikinamatay ng 9 na katao na pawang mga miyembro ng progresibong grupo.

Isinagawa din ang kilos protesta sa San Francisco, Chicago, Los Angeles sa California at New York City.

Isinisigaw ng militanteng grupo ang pagbibitiw ni Pangulong Duterte na umano’y lalong nagpahirap sa sambayanang Pilipino.

Nanawagan din ang naturang grupo sa U.S. Congress na agad na ipasa ang Philippine Human Rights Act para masiguro na hindi magagamit ng gobyerno ni Duterte ang ayuda ng Amerika sa mga Extra Judicial killings.

Dapat din daw na I-repeal ang Anti terror law na nagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa military at pulis para arestuhin at ikulong ang mga taong tumutuligsa sa gobyerno.(Dave Llavanes Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?