16

Oct 1, 2020 @ 14:39
By

Mga Metro Manila mayor wala munang Christmas party

Pinaplano ng mga mayor sa Metro Manila na kanselahin ang mga Christmas party sa kani-kanilang opisina.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, na siyang Metro Manila Council head, hindi prayoridad ang mga ganoong uri ng pagtitipon habang nakikipaglaban pa ang bansa sa coronavirus pandemic.

“Siguro po bawat isa po sa amin, magkakaroon ng memorandum sa lahat po ng ating mga departments pati mga nasasakupan na iwasan po talaga ‘yung gatherings nitong Kapaskuhan,” pahayag ni Olivarez sa panayam sa Teleradyo.

“Siguro hindi po natin ‘yan priority ngayon hanggang hindi po natatapos itong pandemic na ito,” dagdag pa niya.

Nauna nang inutos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga opisina at departamento ang pagkansela sa mga Christmas celebration, sa halip ay i-donate na lamang ang pondong para sana sa party sa mga nangangailangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?