28

Feb 18, 2021 @ 13:39

Mga Metro Manila mayor irerekomenda MGCQ sa Marso

Inaasahang irerekomenda ng Metro Manila Council sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na isailalim ang rehiyon sa modified general community quarantine o MGCQ sa susunod na buwan.

Ang MMC ay binubuo ng lahat ng mga alkalde ng National Capital Region.

Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, sa isang panayam ngayong Huwebes, siyam na NCR mayor ang bumoto para sa MGCQ.

Habang walong alkalde naman aniya ang pabor sa pananatili ng rehiyon sa GCQ sa Marso.

Ang MGCQ ang pinakamaluwag sa apat na quarantine status na pinatupad ng gobyerno habang may pandemyang coronavirus.

Sa ngayon, nakasailalim ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Batangas, Tacloban City, Davao City, Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City sa GCQ hanggang Pebrero 28.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?