21

Mar 25, 2021 @ 11:41
By

Mga mayor na nakauna sa bakuna, nagsalita na

Isa-isa nang nagpapaliwanag ang mga alkalde na naturukan na ng COVID-19 vaccine, bago ang iba pang health frontliner na nasa tuktok ng priority list.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni San Miguel, Bohol Mayor Virgilio Mendez na maraming natakot sa kanilang probinsya na magpabakuna.

At nang tanungin ang kanyang doktor kung puwedeng maghanap ng substitute, sinabihan siya nito na walang puwedeng pamalit.

At dahil senior citizen naman aniya siya ay nagpaturok na siya ng bakuna.

Para naman kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, dati pa lamang daw ay sinasabi na nitong siya ang unang susubok magpabakuna para mapakitang ligtas ang COVID-19 vaccine.

Saad naman ni Bataraza, Palawan Mayor Abraham Ibba, maraming frontliner sa kanilang lugar ang ayaw magpabakuna.

Dinagdag pa niya na isa rin siyang frontliner, at nauna na para mawala ang duda ng iba.

Depensa naman ni Sto. Nino, South Cotabato Mayor Sulpicio Villalobos, isa siya sa mga nahuling makatanggap ng bakuna kasunod ng mga frontliner.

“Kasabay ko rin ‘yung mga healthcare worker, ‘yung mga frontliners ano. At saka yung by 10 po ‘yung isang batch ay ako naman ay malapit na sa kuwarenta, panghuli kumbaga,” ayon kay Villalobos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?