47

May 31, 2021 @ 10:52
By

Mga mayor humirit: Metro Manila ipako sa GCQ

Sang-ayon ang lahat ng NCR mayor na muling ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila para sa buwan ng Hunyo.

Ito’y kinumpirma ni Metro Manila Council (MMC) Edwin Olivarez base sa kanilang napagkasunduan sa isinagawang meeting.

Bukod sa GCQ, nanawagan din ang mga alkalde sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na luwagan ang pagbubukas ng mga negosyo.

Ngayong May 31 nakatakdang matapos ang GCQ ‘with heightened restrictions sa Metro Manila, kasama pa ang mga kalapit na probinsya na Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?