247

Nov 8, 2021 @ 13:20
By

Mga may lisensya dadaan sa periodic test – LTO

Inanunsyo ni Land Transportation Office chief Assistant Secretary Edgar Galvante ngayong Lunes na sasalang sa periodic test ang mga may driver’s license na lima at 10 taon ang validity.

“Kung sa 5 years, ang best schedule na medical exam on the third year ng lisensya,” ani Galvante sa panayam ng Dobol B TV.

“Sa 10 years naman, on the 3rd, 5th and 7th year,” dugtong pa ng LTO chief.

Depensa ni Galvante, ito ay para masiguro na ang mga tsuper ay kaya pa ring magmaneho nang maayos ilang taon matapos nilang makuha ang kanilang lisensya.

Ito raw ay dahil maaaring sa kalagitnaan ng bisa ng kanilang lisensya ay lumabo ang kanilang mga mata at kinakailangan nang magsuot ng corrective lens. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?