13

By

Mga may-ari ng lupa, sinisilip sa Sagay 9 massacre

Sharing is caring!

Hindi na pinalusot ng Sagay City Police ang mga landowner, nangungunapahan at mga nakikinabang sa tubahan para isailalim sa imbestigasyon kaugnay sa naganap na pagpatay sa siyam na magsasaka ng tubo na naganap noong Oktubre 20 sa Hacienda Nene, Purok Firetree sa Sagay City, Negros Occidental.

Ayon kay Chief Inspector Robert Mansueto, acting city police chief, halos kumpleto na sila sa mga nakalap na imbestigasyon kung saan ay isinama na nila ang lahat ng nakikinabang sa Hacienda, kabilang na ang mga nagmamay-ari, nangungupahan at lahat ng nakikinabang sa tubuhan ay inimbestigahan na nila upang tuluyan nang maresolba ang krimen.

Ayon pa kay Mansueto sa naganap na press conference, hindi niya pinalusot ang mga haka-haka na hindi isinama sa ginawang imbestigasyon ng Special Investigation Task Group (SITG) ang mga landowner kaya upang mapadali ang imbestigasyon ay isa-isang inimbestigahan ng pulisya ang lahat ng kasapi nito.

Matatandaang siyam na katao ang pinatay na pawang mga miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na sina Eglicerio Villegas, Angelife Arsenal, Rene Laurencio Sr., Paterno Baron, Morena Mendoza, Marcelina Dumaguit, Rannel Bantigue, at dalawang menor de edad na sina Marchtel Sumikad at Joemarie Ogahayon, na pinatay noong Oktubre 20 sa loob ng Hacienda Nene.

Dalawang suspek naman ang kinasuhan ng Sagay City police sa kasong murder noong Oktubre 26 na sina Rene Manlangit at Rogelio Arquillo, na kilalang recruiter ng tubuhan kasama ang pito pa.

Ayon pa kay Mansueto, tatlong anggulo ang kanilang tinitingnan kung saan ay may posibilidad na kasabwat ang mga may-ari ng lupa sa krimen, ikalawa ang mga nagpapakilalang tunay na may-ari ng lupa at ang ikatlo ay ang pagpasok ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).

Nabatid na ang Hacienda Nene na may lawak na 34.59 hectares ay una nang ipinamahagi ng isang Carmen de la Paz Tolentino sa may 25 katao na sila nang magmimintine ng sakahan.

Samantala, kasamang dumalo sa naganap na press conference ang mga kaanak ng mga biktima para suportahan ang karumal-dumal na kamatayan ng Sagay 9.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?