30
alona-beach-resort
By

Mga may-ari ng ilegal na istraktura sa Panglao Island, nagmatigas

Sharing is caring!

Wala pa kahit isa sa 87 establisyimento sa Alona Beach, Panglao Island sa Bohol na nabigyan ng notice ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sumunod sa kautusan na gibain ang kanilang mga ilegal na istraktura.

Magugunita na Marso 20 nang personal na siyasatin ni Environment Sec. Roy Cimatu ang lugar at binigyan niya ng anim na buwan ang mga may-ari para alisin ang mga itinayo nila sa 20-meter easement area.

Walang napansin na paglabag sa Clean Water Act si Cimatu ngunit hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga itinayo sa “no build zone”.

Una nang nagpahayag ng kagustuhan ang resort owners na makipagdayalogo kay Cimatu para ipaliwanag na beach erosion ang dahilan kaya’t ngayon ay pumasok sa 20-meter easement zone ang kanilang negosyo.

Samantala, naisilbi na ng Provincial Environment and Natural Resources Office ng Oriental Mindoro ang notice of violation ukol sa ‘easement area’ sa 12 resorts sa Barangay Sabang sa Puerto Galera.

Nabatid na may dalawa pang resort sa Barangay San Isidro ang sisilbihan din ng notice, kung saan inaatasan ang mga may-ari na gibain ang kanilang mga ilegal na istraktura sa loob ng 30 araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?