14

By

Mga martial law victim, iginiit ang pagkulong kay Imelda

Sharing is caring!

Mismong sa Kamara nanawagan ang mga biktima ng Martial Law para sa agarang pag-aresto at pagkulong kay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Galing pang Cagayan at Isabela ang mga miyembro ng selda na nagtungo sa Batasan.

Nakipagdayalogo ang mga human rights victim sa Makabayan bloc sa Kamara kung saan iginiit ng mga ito na walang dahilan para manatili pang nakalalaya ang dating unang ginang dahil nahatulan na itong guilty sa pitong bilang ng kasong katiwalian.

Inusisa rin ng mga ito kung papaano nila makukuha ang kanilang kumpensasyon.

Hindi pa naglalabas ng warrant of arrest ang Sandiganbayan laban kay Marcos dahil ini-apela nito ang kanyang conviction.

Samantala, sumama ang mga militanteng kongresista sa kilos-protesta sa south gate ng Kamara para ipakita kung gaano kakarampot ang halagang P25 na umentong ibinigay sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Nagsalo-salo ang mga ito sa kalahating kilong nilutong bigas at isang sardinas dahil ito na lamang umano ang kayang bilhin ng 25 pesos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }