190

Oct 23, 2021 @ 12:19
By

Mga marites abangers na! Kylie Padilla may ibubunyag sa ‘KMJS’

Abangers na ang mga marites dahil inaasahang sasagutin ni “Reyna Amihan” Kylie Padilla ang viral post ni Aljur Abrenica kung saan hinamon siya ng dating mister na sabihin kung sino sa kanila ang unang nangaliwa at sumira sa kanilang pamilya.

May exclusive interview ang aktres sa “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) bukas, Oktubre 24, ayon kay Abante entertainment writer Ruel Mendoza.

“Ngayong Linggo (October 24) sa #KapusoMoJessicaSoho (KMJS), magsasalita na si Kylie Padilla tungkol sa mga paratang sa kanya ng dating mister na si Aljur Abrenica,” ani Ruel sa Instagram post.

“Sa eksklusibong panayam ni KMJS host #JessicaSoho, ibibigay na ni Kylie ang kanyang panig sa mga kontrobersyal na isyung kinasasangkutan niya.

“Tatalakayin din ng KMJS kung papaano ba dapat pinanghahawakan ng public figures ang kanilang pribadong buhay kung pinagpipistahan na ito ng publiko at sa social media,” patuloy niya.

Narito ang reaksyon ng ilang netizen:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?