43

Jun 28, 2020 @ 15:29
By

Mga manyak sa Miriam, tatalupan ng DepEd

Siniguro ng Department of Education na kanilang iimbestigahan ang mga reklamo ng sexual harassment ng mga estudyante ng Miriam College laban sa ilang guro.

“’Yan po ay talagang titingnan nating mabuti, iimbestigahan nating mabuti,” ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali sa panayam sa Teleradyo.

Matatandaan na nag-viral ang hashtag na #MCHSDoBetter para ireklamo ang mga naranasan ng estudyante at alumni sa Miriam College High School tungkol sa pangha-harrass ng mga guro.

“We will make sure that this private school has convened their Child Protection Committee and has commenced the investigation,” saad pa ng DepEd official.

Nitong Biyernes ay inanunsyo na ng pamunuan ng Miriam na gumawa na sila ng independent committee para masuri ang reklamo ukol sa sexual harassment.

“We encourage all aggrieved to speak out and voice their concerns to the Committee. Rest assured that all parties involved will be afforded due process through an impartial and objective proceeding,” ayon sa pahayag ng eskuwelahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?