56

Aug 4, 2020 @ 15:55
By

Mga manok panabong tigok sa PAL flight

Viral ang post ng isang netizen tungkol sa mga namatay niyang manok na panabong sa flight mula Bacolod papuntang Maynila gabi ng July 31, 2020.

Ayon sa Facebook post ni Jon Claud, mahigit 100 manok niya ang namatay sa cargo ng Philippine Airlines (PAL).

“Ano #PALCARGO Philippine Airlines walang obligasyon? Ang mahal nio maningil tapos waiver lng sinasanga nio!!! alam nio na wla palang aircon o ventelation ang eroplano bakit kau nag sakay ng manok, kayo kaya ilagay sa karton at ipasok sa cargo, para malaman nio…ang tatanga nio, kung di nio alam, wag na kayo mag trabaho dyn, hirap na nga kami sa buhay, hirap mag pakain ng mga alaga tapos papatayin nio lng, higit 100 heads ang pinatay nio!!! ano mag turuan nlng kau? kapal nio namn!!!” ani Claud sa post.

Nasa P300,000 umano ang nalugi kay Claud nang mamatay ang mga manok niya.

Sa panayam ni Raffy Tulfo, sinabi ni Claud na inabisuhan lang siya ng supervisor on duty na isang Sir Kevin na gagawan daw ng report ang insidente.

Pero nang tumawag muli siya ay walang konkretong sagot sa kanya ang PAL Bacolod at ang sagot lang sa kanya ay kumidlat sa Maynila, malakas ang ulan at baka na-suffocate daw ang mga manok.

Bago sinampa sa eroplano patungong Maynila ay buhay pa umano ang mga manok.

Kinumpirma raw sa kanya ni Sir Kevin na walang ventilation at aircon ang cargo compartment kung saan nilagay ang mga manok niya at na-stranded pa daw ang eroplano ng ilang oras.

Nais lang daw ni Claud na palitan ng PAL ang mga namatay niyang manok.

Sa ngayon, ayon kay Tulfo, ay ayaw daw munang magbigay ng pahayag si PAL spokesperson Cielo Villaluna dahil paiimbestigahan muna ang insidente.

https://www.facebook.com/jon.claud.52/posts/748935672626485

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?