158

By

Mga manok ng Hugpong sa Senado, bibitbitin ng Lakas – Romualdez

Prayoridad umano ng partidong Lakas Christian-Muslim Democrats (Lakas-CMD) ang mga mamanuking senatoriables ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sara Duterte sa halalan sa susunod na taon.

Ayon kay Lakas-CMD president at dating Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, bukod kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. dadalahin umano ng Lakas ang karamihan kung hindi man lahat ng kandidato na ie-endorso ni Mayor Duterte sa pagka-senador para sa 2019.

“We have a Senate slate. We will be supporting those also endorse by the Hugpong Party,” sabi ni Romualdez.

Nitong nakaraang linggo, inilabas ng nakababatang Duterte ang dalawang listahan ng mga mamanukin ng Hugpong sa Senado sa darating ng halalan.

Kasama sa unang listahan nng HNP sila Senadora Cynthia Villar, Taguig Rep. Pia Cayetano, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Bureau of Corrections chief Ronald “Bato” dela Rosa; Special Assistant to the President SAP Christpher “Bong” Go, ang magkapatid na sila Senador JV Ejercito at dating Senador Jinggoy Estrada; at si Maguindanao 2nd District Rep.Zajid Mangudadatu.

Halos parehas lamang ang ikawalang listahan ng Hugpong na eksklusibo naman umano sa Davao Region subalit napadagdag sa nasabing listahan sila PDP Laban President at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, LDP President at Senador Sonny Angara, at ang dating GMA-7 brodkaster na si Jiggy Manicad.

Ayon kay Romualdez, nakareserba na kay Revilla na siyang kasalukuyang chairman ng Lakas ang isang puwesto sa kanilang Senate slate habang ang nag natitirang 11 bakanteng slots ay pag-aagawan ng mga kandidatong inendorso ng Hugpong ni Mayor Duterte.

“Yung priority ng Hugpong na i-endorse, i-eendorse din natin (sa Lakas)… we will recommend and prioritize as well,” giit ni Romuladez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?