190
alejano
Nov 20, 2018 @ 18:45
By

Mga manok ng Duterte admin, posibleng pondohan ng China – Alejano

Nagbabala si Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano sa posibilidad ng pagpasok ng pera mula sa bansang Tsina upang pondohan ang mga manok ng administrasyong Duterte para sa nalalapit na halalan sa susunod na taon.

Ginawa ni Alejano ang pahayag kasabay ng state visit ni Chinese President Xi Jinping sa bansa.

Paliwanag ni Alejano, maaaring gamitin ng administrasyong Duterte ang “cooperation agreement” sa pagitan ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP Laban) at ng Chinese Communist Party upang kumalap ng karagdagang pondo sa mga Tsino para masiguro ang tagumpay ng kanilang mga kandidato para sa halalan sa 2019.

“Malaki ang possibility na tutulong ang China sa mga kandidato ng present administration because China wanted status quo or much more, ‘yung pinapakitang behavior ng administrasyon na ito (towards them),” paliwanag ni Alejano.

Babala ni Alejano, posibleng magaya ang Pilipinas sa bansang Sri Lanka, kung saan ay inendorso ng mismong embahador ng Tsina si Mahinda Rajapaksa bilang susunod na punong ministro ng nasabing bansa.

Paliwanag ni Alejano, idinaan umano ng bansang Tsina ang pondo para kay Rajapaksa at sa kanyang partido, ang Sri Lanka Freedom Party gamit ang mga Chinese contractors na nagsasagawa ng mga malalaking proyekto sa Sri Lanka.

“The Communist Party of China (really wants) to influence policies in the Philippines. It happened in the Sri Lanka that the Chinese Ambassador they publicly campaign for PM Mahinda Rajapaksa,” giit ni Alejano.

Dagdag pa ng mambabatas, ang mga infrastructure loans na iaalok ni Xi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pagbisita sa bansa ay maaaring magamit upang tustusan ang kampanya ng mga kandidato ng administrasyon, lalo na ang limang manok ng PDP Laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?