By

Mga mangingisdang Pinoy, pinababantayan sa PCG

Sharing is caring!

Hinamon ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang administrasyong Duterte na atasan ang Philippine Coast Guard (PCG) na magbantay sa mga mangingisda sa West Phillippine Sea (WPS).

Ito’y kasunod ng ulat tungkol sa umano’y harassment ng Chinese coast guards at pagkuha sa huli ng mga Filipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.

“Send our coast guards now to escort our fishermen in the West Philippine Sea!” ani Zarate.

Sinumbatan ng militanteng kongresista ang gobyerno sa pagiging manhid sa hirap na dinaranas ng mga Filipinong mangingisda.

Sabi ni Zarate, hindi naman kailangang magdeklara ng giyera kontra sa China, pero dapat aniyang manindigan ang Malakanyang para sa mga mangingisda at sa teritoryo ng bansa na sakop ng WPS.

“We have to show China that we are serious in defending our people as well as our territory. Our officials should always assert our independence, instead of them acting as apologists for China, who apparently now treat the Philippines as her vassal state,” ayon sa kongresista. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?