430

Feb 24, 2020 @ 17:25
By

Mga manggagawa ng Honda, nag-rally sa Japanese Embassy

Kinalampag ng mga manggagawa ng Honda Cars Philippines Inc. ang Japanese Embassy sa Pasay City nitong Lunes, Pebrero 24 matapos ianunsiyo noong weekend ang plano ng Honda na isara ang planta nito sa Sta. Rosa, Laguna.

Nag-vigil sa loob ng planta ang ilang mga manggagawa ng Honda noong Sabado nang ianunsiyo sa kanila ang desisyon na isara ang planta sa Marso 25, 2020.

Kinondena ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda-OLALIA-KMU ang pagsasara at sinabing trinaydor sila ng management.

May bakas sa HCPI ang mga Ayala at ang mga Yuchengco na kapwa may 15% na interes sa kompanya.

Nilaglag kamakailan ang mga Ayala ng partner nitong Hapon sa Manila Water Company Inc., dala na rin ng pamemersonal dito ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabantang ipakukulong ang mga opisyal ng Manila Water.

Nagbenta ng shares ng Manila Water ang Mitsubishi UFJ Trust and Banking Corp., kahit pa bumabagsak ang presyo nito para makalabas sa kompanya kahit na palugi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?