22

By

Mga mambabatas nahilot ni Duterte sa BBL

Sharing is caring!

Nalutas na ang deadlock sa bicameral conference committee matapos magkasundo ang mga mambabatas na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) na matagal nang nakatengga sa Kongreso.

Ito ay makaraang mamagitan si Pangulong Rodrigo Duterte sa bicameral committee meeting na ginanap sa Malacañang ngayong hapon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakumbinsi ng Pangulo ang dalawang kapulungan ng Kongreso na i-adopt ang House version ng BBL kung saan isinama ang anim na munisipalidad ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato sa bagong teritoryo ng Bangsamoro.

Pagpapasyahan ito sa pamamagitan ng isang referendum.

Kabilang sa mga bayan na kasama sa bagong teritoryo ng Bangsamoro ay ang Tagoloan, Baloi, Pantar, Munai, Tangcal at Nunungan.

“Pleased to announce that the President facilitated the passage of the BBL by convincing the two Houses of Congress to adopt the House version of the BBL providing that the 6 municipalities of Lanao Del Norte and the 39 batangays of North Cotabato could vote to join the BBL territory in a referendum to be conducted on the mother territory of the areas involved. With the President’s intervention citing constitutional,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na ang BBL ay pipirmahan ni Pangulong Duterte bago ang kanyang State of the Nation Address (SONA) sa susunod na dalawang linggo.

“Provisions and the decision of the Supreme Court in the case of Umali, the passage of the BBL has been assured. President Duterte will sign the BBL law before the SONA,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?