53

May 20, 2020 @ 12:52
By

Mga mall sa Cavite, muling binuksan ni Gov. Remulla

Bukas na muli para sa mga taga-Cavite ang mga malls sa probinsya matapos ang anunsyo ni Governor Jonvic Remulla nitong Miyerkoles.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Gov. Remulla ang bagong guidelines para sa mga malls kabilang na rito ang schedule na 10am hanggang 5pm operation para sa mga local customers.

Ayon sa pa Gobernador, kailangan parin ng quarantine pass sa mga mall na magkakaroon rin ng safety marshals.

Dagdag pa rito, “Ang supermarket ay walang time limit. Pero may customer limit. One (1) customer out, one (1) customer in. Hinde ninyo karapatan ang oras na ito. Ito ay pribelhiyo para sa inyong ikabubuti. Huwag abusuhin at marami pang ibang customer na kailangan bumili.”

Patuloy rin ang priority lanes para sa mga frontliners na tinawag pa ni Gov. Remulla na “You are our heroes. You are welcome in any mall anywhere,”

Bumanat rin ang Cavite Governor para sa kanilang liquor ban, “Kung maayos Ang lahat sa pamamalakad ng mall policy ay ilalatag namin ang patakaran para mag kita kayo ni Pareng Empi at Kuya Alfonso. Makakpunta na kayo sa Barangay Ginebra. Makikipag lakaran na kayo ni Mr. Johnny. Magdasal na kayo kay San Miguel. At makakasakay na kayo ng pulang kabayo,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?