14

Jun 10, 2021 @ 21:21
By

Mga mahistrado nag-donate ng 10 toneladang gulay sa mga community pantry

Bilang selebrasyon sa ika-120 anibersaryo ng Supreme Court (SC), mamamahagi ang mga mahistrado ng mahigit 18 toneladang gulay sa mga community pantry sa Metro Manila.

Ibinaba mula sa dalawang trak ang sako-sakong kalabasa, mais, sili at iba pang gulay sa SC compound nitong Huwebes bago ibibigay sa mga kinatawan ng mga community pantry.

Nagmula sa bulsa ng mga mahistrado ang pinambili ng mga donasyong gulay sa mga magsasaka sa Central Luzon.

Bahagi raw ang event sa pagdiriwang sa 120th anniversary ng SC sa Biyernes, June 11 na tinawag na “Pagkalinga sa Kapwa”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?