34

May 14, 2020 @ 21:36
By

Mga magulang ‘di makabiyahe! 46 sanggol stranded sa Ukraine hotel

Kumalat ang isang video sa Ukraine kung saan 46 na sanggol ang na-stranded sa isang hotel sa Ukraine.

Ito’y dahil ang mga baby ay bagong silang mula sa surrogacy – o ang akto ng pagdadala ng isang babae sa sanggol ng ibang tao – na pinapayagan sa Ukraine.

Ang mga sanggol na nasa Venice Hotel sa capital city na Kyiv ay nakatakda sanang kunin ng kanilang mga magulan mula United Kingdom, USA, Italy, France, China, Mexico at iba pang bansa.

Ngunit dahil sa COVID-19 pandemic ay hindi makabiyahe ang mga ito kaya’t naiwan sa isang hotel ang mga baby.

Ang mga baby ay tintayang mula sa BioTexCom kung saan pinaliwanag ng abogado ng kompanya na si Denis Herman na kaya naroon ang mga bata ay dahil sarado ang mga border ng Ukraine sa ibang bansa.

Siniguro naman ng administrator ng hotel na naaalagaan ng maayos ang mga sanggol sa kanilang hotel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?