391

Sep 22, 2019 @ 16:53
By

Mga magsasaka lugi ng P70B dahil sa Rice Tariffication Law – Pangilinan

Cash assistance at hindi zero-interest loan ang dapat ibigay ng gobyerno sa mga lokal na magsasaka.

Ito ang sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan dahil mahigit sa P60 bilyon hanggang P70 bilyon ang nawawala sa mga local farmer bunsod na implementasyon ng Rice Tariffication Law.

“Ang hinihiling din nila ay yung cash assistance. Actual assistance na cash dahil malaki ang nawala sa kanila sa taong ito,” pahayag ni Pangilinan.

“Mga kulang-kulang 60 to 70 billion pesos ang halaga ng palay last year na nawala this year dahil sa bagsak ng presyo,” dagdag pa nito matapos kunsultahin ang mga magsasaka sa Central Luzon at Cebu.

Para maka-survive sa patuloy na pagbagsak sa presyo ng palay, dapat umanong maging aktibo ang nationa Food Authority (NFA) sa pagbili ng kanilang prodkuto, dagdagan ang taripa sa imported na bigas, magkaroon ng restriction sa importasyon ng bigay at magibigay ng mga post-harvest facility kagaya ng warehouse at dryers.

“Ang gusto ng mga magsasaka ay mas maging masigasig ang pagbili halimbawa ng NFA ng palay. Dapat mapaabot sa mas marami nating mga magsasaka. Humihingi rin ng tulong sa mga dryer, ng post-harvest facility,” sabi ni Pangilinan, vice chairman ng Senate Committee on Agriculture and Food.

“Dahil pag walang dryer, hindi nila mabenta nang mas mataas na presyo dahil kung basa ang palay, mas mura yan. So malaki rin ang nawawala sa kanila dahil sa kakulangan ng facilities,” dagdag nito.

“Humihingi sila ng palugit sa pagbayad ng kanilang utang — kung maaaring deferment habang hirap dahil nga mababa ang presyo ng palay. So itong mga ito, ipapaabot natin mismo sa isang pagpupulong ni Secretary Dar,” saad pa ni Pangilinan.

Ibinigay ng mga magsasaka ang kanilang suhestiyon sa ginawang public consultation sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sagip Saka Act of 2019 sa Nueva Ecija at Pampanga noong Biyernes.

Ayon sa senador, labis umanong naapektuhan ang lokal na ekonomiya ng Central Luzon, tinawag na rice granary ng Pilipinas, bunsod na masamang epekto ng Rice Tariffication Law.

Bilyong piso ang nawala sa mga lokal na magsasaka bunsod ng pagdagsa ng imported rice na naging dahilan ng pagbagsak naman ng preyso ng palay na umabot na sa P7 kada kilo, mas mababa ng P5 sa production cost ng P12 bawat kilo.

Naunang nang naghain ng resolusyon si Pangilinan para madaliin ang ilang mga panukalang batas para mapigilan ang masamang epekto ng naturang batas.

Sa Senate Joint Resolution No. 2 na inihain ng senador, hiniling nito na maglabas ng P13 bilyon mula fund balance ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) sa ilam ng unprogrammed appropriation ng 2019 national budget at mula din sa nakolektang taripa mula naman sa rice importation.

Ang naturang pondo ay magiging direct emergency assistance sa mga rice farmer na naapektuhan ng nasabing batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?