56

Jun 21, 2020 @ 20:30
By

Mga madre sa Tagaytay, wala nang makain

Apektado rin ang religious sector tulad ng Simbahan dahil sa COVID-19 pandemic.

Sa misa nitong Linggo na pinangasiwaan ni Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples Antonio Cardinal Tagle, binahagi nito ang paghihirap na dinaranas ng isang komunidad ng madre sa Tagaytay.

Saad ni Tagle, kumakatok na sa ibang bahay ang religious community sa Tagaytay dahil wala nang makain ang mga ito.

“I was surprised to hear that in Tagaytay, some religious community are backed to begging for food, they go around knocking,” ayon kay Tagle.

“One community of sisters said that they usually get support from their community in Europe, but the communities have nothing to send,” aniya pa.

Kaya naman sa kaarawan nito ngayong araw ay nagpasalamat sa kanya ang superior ng mga madre dahil sa napadalang binalot na may lamang kanin, adobo at itlog dahil may nakain sila.

“So one community also received binalot today so the superior send me a message ‘thank you, bishop, we have lunch today,'” kwento pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?