32

Apr 1, 2020 @ 13:43
By

Mga madre namigay ng pagkain sa Tagaytay

Namahagi ang ilang mga madre ng Sisters of Charity of St. Charles Borromeo ng mga food pack sa ilang pamilyang nangangailangan sa Tagaytay City.

Sa tweet ng CBCP News, ang news arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, nakitang umakyat ng hagdan ang ilang madre para makapamahagi ng pagkain sa mga mahihirap na pamilya.

Nitong Martes naganap ang pamimigay ng mga food pack, kung saan sinakripisyo ng mga madre ang kanilang food allowance para makatulong dahil sa nararanasang krisis ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

“The nuns cut their food allowance in order to provide aid to some families that have been hit hard by #Covid19 lockdown,” saad sa tweet ng CBCP News.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?