14
coa
By

Mga lumang sasakyan ng PMS, pinapapalitan ng COA

Sharing is caring!

Dahil lumalaki ang gastos sa pagpapagawa, pinapapalitan na ng Commission on Audit (COA) ang mga lumang sasakyan ng Presidential Management Staff (PMS).

“Continuous repairs and maintenance of 24 motor vehicles due to frequent breakdowns, resulted in the incurrence of additional cost to the Agency,” saad ng 2017 report ng COA.

Pinuna rin ng COA ang pitong sasakyan ng PMS na hindi na magagawa subalit pinabayaan nito sa halip na ibenta. May mga sasakyan din ang ahensya na maitim at may amoy ang usok.

Mayroong 52 sasakyan ang PMS kung saan pito sa mga ito ay hindi na maaayos kabilang ang 1998 Ford ranger na wala ng mabiling piyesa.

“It was noted that 24 motor vehicles purchased 10 to 21 years ago were fully depreciated incurred frequent repairs since its acquisitions, ranging from 52 times to 211 times, and repair cost ranging from P389,757.87 to P2,069,009.76 or 66.95 percent to 220.88 percent of its acquisition cost,” ayon sa COA report.

Inirekomenda ng COA sa PMS na humingi ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) para mapalitan ang mga hindi na naaayos.

Ipinabebenta naman ang mga ‘unserviceable motor vehicle’.

Ang PMS ang siyang nangangasiwa sa pang-araw araw na gawain ng Office of the President. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?