146

Oct 19, 2017 @ 17:05

Mga lumang jeep, ‘di siguradong mawawalis sa January deadline ni Duterte

Hindi makapagbigay ng pahayag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung kaya nilang tugunan ang deadline ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat wala nang lumang pampasaherong jeep pagsapit ng Enero.

Sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada, kilala naman ng lahat kung paano magsalita ang Pangulo.

Para sa LTFRB, utos ito ng Presidente para madaliin ang modernization program.

“We know how he talks. Ang sinasabi niya sa amin is we have to fast track,” ayon kay Lizada.

Idinepensa pa nito ang banat ni Duterte sa mga nagprotestang driver sa pasasabing may misyon ito na itama ang mali sa bansa.

“He is the President. He is a man on a mission to right the wrongs in this country,” sabi ni Lizada.

Ang isyu aniya ng modernisasyon ng transportasyon ay 20 taon nang naantala at kailangan ng political will para maisakatuparan ito, bagay na ginagawa umano ng Duterte administration. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?