57

By

Mga lumalabag sa ordinansa makakapagpataas ng kita ng QC – Vice Mayor Belmonte

Sharing is caring!

Bagama’t itinuturing na nangunguna ang Lungsod ng Quezon sa ‘revenue generation’ maaari pa rin umano ang pamamaraan para mas mapaganda at mapaunlad pa ang city’s income per capita, ayon kay Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

“Many say we are the richest city with an PHP18.5-billion budget, and then we even passed a supplemental budget of another PHP6 billion. But having said that, we must bear in mind that those are in absolute terms, not in per capita. If you talk about (the budget) per capita, we are not a rich city at all. We have so much more people,” giit ni Belmonte sa press conference nitong Lunes.

Aniya, ang Quezon City ay madalas na ikinukumpara sa Makati City at sinasabing halos parehas lang ang budget sa kanilang lungsod, subalit ito aniya ay maliit na bahagi lamang ng lungsod kung ang mga tuntunin ay ang laki at populasyon.

“We have 3.1 million people and we are one-fourth of Metro Manila. So, in other words, we cannot talk about income in absolute terms, but we must talk about it in the context of the size and the demographics of a city,” paliwanag ni Belmonte.

Base sa Commission on Audit’s (COA) ang may pinakamalaking kinitang buwis noong taong 2015 sa mga lungsod ay ang Quezon City na umabot ng P16.37 bilyon habang ang Makati City ay P15.51 billion.

Sa kanilang ulat noong 2016, ang Makati City ang nanguna naman sa revenue na P26.85 bilyon at pumangalawa ang Quezon City na P20.20 bilyon.

Dahil sa total assets, ang Quezon City ay tinaguriang Philippines’ richest city ng halos ilang taon, subalit naagaw umano ng Makati City ang kanilang trono, base sa report ng COA nitong 2017.

Inamin ni Belmonte na marami pang potensiyal na pamamaraan para sa revenue generation gaya ng implementasyon ng crime ticketing system sa mga ipinatutupad na mga lokal na ordinansa at maiwasan na ang pagpapakulong upang makadagdag sa revenue ng lungsod.

Sa pagtaya ni Belmonte, sa 400 maaresto kada araw na lumalabag sa mga ordinansa ng lungsod, gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak sa kalye at mga nakahubad sa lansangan, posibleng kumita ang kaban ng lungsod ng P200 milyon kada taon kung pagmumultahin ang mga nahuli sa halip na ikulong.

“If we implement good governance and transparency and really crack down on corruption, the city could earn up to PHP40 billion a year. That’s actually double of what we’re earning now. And even if we earn just P10 billion more, that’s another P10 billion to spend for the people of Quezon City,” dagdag pa ni Belmonte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }