15

Mga Lumad, nanawagang wakasan na ang martial law sa Mindanao

Sharing is caring!

Nagsagawa ng kilos protesta ang grupo ng mga Lumad sa harapan ng Camp Aguinaldo sa Quezon City ngayong umaga.

Layon nila na ipanawagan na alisin na ang umiiral na martial law sa Mindanao, na nagdadala umano ng mga paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon.

Ito’y limang araw bago ang anibersaryo ng deklarasyon batas militar sa Mindanao.

Sa mga bitbit na placard ng mga nagsagawa ng protesta, mababasa ang mga katagang, “Itigil ang pandarahas sa Lumad schools” at “End martial law in Mindanao”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?