47

By

Mga Lumad leader pasaklolo kay Duterte sa kaso kontra Sison

Sharing is caring!

Hiniling ng mga lider ng tribong Lumad ang tulong ni Pangulong Rodrigo Duterte para suportahan sila sa isasampang demanda laban kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding Chairman Jose Maria Sison at sa buong kilusan ng CPP-NPA-NDF.

Nakipagkita sa Pangulo kaninang hapon ang labing anim na lider ng Indigenous People Council of Elders para iparating ang mga ginagawa ng mga tauhan ni Sison sa mga Lumad sa Mindanao.

Sa pamamagitan ng isang resolusyon ay opisyal na hiniling ng mga Lumad leader sa Pangulo na tulungan sila sa aspetong legal para sa gagawing demanda kay Sison sa mga tauhan nito.

Ginawang batayan ng kanilang isasampang kaso ang pagpatay ng New People’s Army ng mahigit isang libong lider ng mga Lumad simula noong 1980 hanggang sa kasalukuyan dahil ayaw sumunod sa nais mangyari ng mga komunista.

Sinakop din umano ng mga NPA ang kanilang mga lupain at ginawang balwarte at guerilla zone ng walang pahintulot ng mga lider, at ginawang gatasan sa pamamagitan ng kinukulektang revolutionary tax ang kanilang mga ani sa bukid, mga alagang hayop, sari-sari store at iba pa.

Positibo naman ang naging tugon ni Pangulong Duterte sa mga lider ng Lumad at tiniyak ang suporta ng gobyerno sa kanilang magiging laban kay Joma Sison.

Tiniyak ng Presidente ang seguridad ng mga indigenous people sa pamamagitan ng utos sa militar na tiyakin ang kaligtasan ng mga ito dahil sa posibilidad na buweltahan sila ng CPP-NPA-NDF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?