110

Dec 31, 2017 @ 15:59
By

Mga lugar ng trabaho sa NCR, inspeksiyunin – Castelo

Iginiit ni Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo na inspeksyunin ang lahat nang lugar ng trabaho sa Metro Manila para matiyak na ligtas ang mga ito.

Kasunod ito ng nangyaring sunog sa NCCC mall na ikinamatay ng 38 empleyado sa Davao City.

Ayon kay Castelo, anuman ang maging resulta ng isinasagawang imbestigasyon sa insidente, dapat na ring matingnan at masuri ang lahat ng lugar ng trabaho sa Kamaynilaan para hindi na maulit ang ganitong trahedya.

Tiniyak ni Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila development, na paiiralin nito ang kanilang oversight functions at sasama sa Bureau of Fire Protection (BFP) at sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa pag-iinspeksyon sa NCR.

“Office buildings, factories and other workplaces have to be assessed for possible fire hazards, structural integrity, and violations of the building code and provisions of the Labor Code on occupational safety,” ayon sa kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?