54

Jul 28, 2021 @ 10:57
By

Mga lugar na nasa ECQ bibigyan ng ayuda

Tiniyak ng Malacañang na mabibigyan ng ayuda ang mga residenteng nasa enhanced community quarantine (ECQ) area.

Sa harap ito ng patuloy na pagtugon ng gobyerno at paglaban ng mamamayan mula sa  pag-atake ng COVID-19

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na konting paghihintay lang ang kailangan ng mga nasa ECQ na lugar dahil inaayos na ang proseso para dito.

“Darating po ang ayuda, hindi ko lang po maaanunsiyo ngayon bagamat alam ko po nagsimula na iyong proseso. Mayroon na po diyang rekomendasyon ng DBM, hinihintay lang po natin yung gulong ng papel. Huwag po sana kayong mainip,”ani Roque.

Mahigpit aniya ang bilin ni Pangulong Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) na huwag magtakda ng ECQ kung walang maibibigay na tulong sa mga maaapektuhan ng mahigpit na community quarantine.

“Bagamat naghihintay ang ating mga kababayan na nasa ECQ, huwag po kayong mag-alala, ang Presidente isa lang ang kanyang talagang  inulit-ulit sa amin sa IATF–huwag mag-ECQ ng hindi nagbibigay ng ayuda,” dagdag ni Roque.

Nauna rito, umapela ang mga lokal na opisyal sa Iloilo City ng dagdag na ayuda mula sa national government matapos ilagay sa ECQ ang lungsod bunsod ng mataas na kaso ng COVID-19. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?