20

Oct 7, 2021 @ 11:02
By

Mga lugar na nakandado sa NCR bumaba sa 192 – PNP

Mula 233 ay bumaba sa 192 ang kabuuang bilang ng mga lugar sa Metro Manila na inilagay sa ilalm ng granular lockdown.

Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP). ang 192 lugar ay mula sa 125 barangay sa Metro Manila.

Anila, 126 dito ay mga bahay, 29 ang residential building floors, 23 ang eskinta, at 14 naman ang mga subdivision.

Kaugnay nito, 647 PNP personnel at 691 force multipliers ang ipinakalat ng ahensya para matiyak ang pagpapatupad ng COVID safety protocols sa mga lugar na inilagay sa lockdown. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?