174

Jun 3, 2020 @ 11:20
By

Mga lotto outlet malapit nang buksan – Roque

Pinahiwatig ng Malacañang na malapit nang muling magbukas ang operasyon ng lotto sa bansa.

Sa harap na rin ito ng panawagan ng mga lotto operator na payagan silang makapagbukas na para magkaroon muli ng hanapbuhay ang kanilang mga empleyado ngayong nasa general community quarantine na ang maraming lugar sa bansa, kabilang ang Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ayaw niyang pangunahan ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, pero kasama aniya ang lotto operations sa mga tinatalakay sa mga pulong.

“Ayoko ko pong pangunahan ang IATF pero ang masasabi ko lang, malapit-lapit na po,” ani Roque.

Ang lotto outlets ang madalas pinipilahan ng mga tao, lalo na kapag malaki ang nakalaang jackpot prize, kaya posibleng malabag ang social distancing.

Gayunman, giniit ng lotto operators na susunod sila sa ipapatupad na panuntunan ng IATF basta maibalik lamang ang kanilang operasyon

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?