52

May 24, 2020 @ 13:00
By

Mga Lotto, Keno agent tatanggap ng ayuda sa PCSO

Tatanggap ng ayuda sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga ahente ng lotto at Keno sa bansa matapos masuspinde ang mga laro ng PCSO bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, naiintindihan ng ahensya na kailangan ding bigyan ng pinansyal na tulong ang aabot sa 6,241 lotto at Keno agents na tigil-operasyon mula pa nitong Marso, kaya maglalabas sila ng P18.7 milyon para sa ayuda ng mga ito.

“That’s why, as our partners in raising revenues, we also have to look after their welfare during this global pandemic,” hayag ni Garma.

Pinag-utos na rin aniya niya sa lahat ng branch managers at iba pang concerned official ang agarang pagpapalabas ng nasabing financial assistance para sa mga ahente ng lotto at Keno matapos aprubahan ito sa pamamagitan ng PCSO Board Resolution 109 s. 202, na inayunan na rin ng Office of the President.

“The assistance aims to augment and subsidize the needs of these agents and to lessen the burden of stress and anxiety during this difficult time of public quarantine,” dagdag ni Garma.

Samantala, panibagong P33,811.163 milyon naman ang nilabas ng PCSO para sa medical assistance ng mahigit 4,328 eligible indigent beneficiary ngayong ika-4 na linggo ng Mayo.

Ayon kay Garma, patuloy ang ahensya sa medical assistance sa mga kapus-palad na Pinoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?