24

Oct 2, 2020 @ 10:36
By

Mga local farmer ‘di competitive – Villar

Hinikayat ni Senador Cynthia Villar ang Department of Local Government (DILG) na bumili ng bigas sa National Food Authority (NFA) para matulungan naman ang mga lokal na magsasaka na hindi na kumikita dahil sa bagsak na presyo ng palay.

Ginawa ng senador ang panawagan matapos usisain si Interior Secretary Eduardo Ano hinggil sa P1.8 bilyong pondo para sa pagbili ng bigas para sa uniformed services at mga presyo.

“One of the biggest problems natin ngayon, there are no enough people to buying from our local farmers,” pahayag ni Villar, chairman ng Senate committee on food and agriculture, sa pagdinig ng panukalang 2021 budget ng DILG.

“Kasi alam mo, kaya nga nilagay ang RCEF (Rice Competitive Enhance Fund (RCEF), talaga yang rice farmers natin, hindi competitive relative to the rice farmers ng Vietnam and Thailand.”

“Ang ating rice farmers produced rice at P12 per kilo; sila, P6 and P8 pesos respectively,” dagdag pa nito.

Para maging competitive aniya ang mga local farmer, minungkahi ni Villar sa DILG na direktang bumili na lang ng bigas sa NFA at hindi na sa pribadong sektor.

“So ini-encourage natin ang government especially NFA to buy rice for local farmers para tulungan sila until such time na magawang silang competitive,” ayon kay Villar.

“I guess it is fair for DILG since it is money of the government to buy rice from local farmers kasi ang NFA naman they have warehouses all over the Philippines,” dagdag pa nito.

Sabi pa ng senador, maging ang mga senador aniya ay direkta na NFA kung bumili ng bigas na kanila namang ipinamimigay sa kanilang mga constituents nitong pandemya.

“I think is fair that we ask the DILG to buy your rice from the local farmers, maybe thru NFA para makatulong kayo sa problema ng ating mga local farmers. Can I get that committment to Sec. Ano?” tanong ni Villar.

Sagot naman ni Ano, ginagawa na nito ito sa kasalukuyan.

“Yes Mam, in fact may memorandum of agreement ang BJMP sa NFA. Doon po sila dumidirekta sa NFA para sa consumption ng mga PDL (Person Deprived of Liberty) at organic personnel,” ani Ano.

“Sa LGU naman po, nag-issue na ng memorandum circular to LGUs to give priorioty in buying products of local products and sa NFA. Dito sa PNP and Bureau of Fire, I will enjoin them to buy rice from NFA,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?