242

Sep 27, 2021 @ 14:26
By

Mga lider sa Davao del Norte lumipat na kay Ping

Mahigit 200 lider sa Davao del Norte ang lumipat na sa Partido Reporma, ang partido ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson.

Sa isang pahayag, sinabi ni dating Speaker Pantaleon Alvarez na lumipat na sa Partido Reporma ang mga incumbent mayor at barangay captain at sectoral community organizer sa Davao de Norte.

Nanumpa ang mga ito sa Reporma noong Setyembre 25 at pinangasiwaan ito nina Lacson, Alvarez, Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib at dating Rep. Arnel Ty ng LPGMA party-list.

Ang running mate ni Lacson na si Senate President Tito Sotto, chairman ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ay dumalo rin sa pagtitipon.

Ang Davao del Norte ay mayroong 600,000 rehistradong botante at dating hawak ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Noong 2019, nilabanan ng mga miyembro ng Hugpong Ng Pagbabago (HNP) na pinamumunuan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang mga kandidato ng PDP-Laban.

Si Alvarez noon ang secretary-general ng PDP-Laban.

Kinalaunan ay binuhay ni Alvarez ang Partido Reporma ni dating Gen. Renato de Villa. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?