24

Dec 23, 2019 @ 15:09

Mga LGU ng Manila, San Juan half-day lang ngayon

Half-day lang ang trabaho ng mga empleyado ng local government unit ng Manila City at San Juan City sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Hanggang alas-dose lang ng tanghali ang trabaho sa mga nasabing tanggapan para magkaroon umano ng mas mahabang oras ang mga kawani sa kanilang mga pamilya.

Binalita ito ng Manila Public Information Office at ni San Juan Mayor Francis Zamora sa Twitter ngayong Lunes din ng umaga, Disyembre 23, 2019.


Dineklara bilang non-working holiday sa bansa ang Disyembre 24 habang regular holiday naman ang Disyembre 25 na Araw ng Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?