131

By

Mga LGU na tulog sa pananalasa ng ‘Ompong’, lagot kay Año

Sharing is caring!

Pananagutin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang mga mga lokal na opisyal na walang ginawang aksiyon o tutulog-tulog sa kanilang nasasakupang siyudad, munisipalidad at mga lalawigan sa gitna ng Bagyong ‘Ompong’.

Ayon kay DILG Spokesperson, Assistant Secretary Jonathan E. Malaya, dapat ang mga lokal na opisyal ay mayroon nang mga plano at paghahanda ayon sa rekomendasyon sa ‘Oplan Listo’.

Ang Oplan Listo ng DILG ay nirerekomeda ang tatlong ‘critical preparedness actions’ kung saan ang mga local government units o LGUs ay dapat gawin ang Alpha para sa ‘low risk areas,’ Bravo para sa ‘medium-risk areas,’ at Charlie para sa ‘high-risk areas.’

“Ang local chief executives (LCEs) bilang ulo ng Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) ay ‘di dapat mag-atubiling ilikas ang mga residenteng nakatira mga peligrosong lugar. Sa ganitong panahon lalong kailangan ng matino, tumutugon, at maagap na serbisyo publiko,” ani Malaya.

Aniya, pagkadating ng storm alert, ang mga LGU ay dapat ihanda ang resources, supplies, equipment at relief goods na kinakailangan sa loob ng 48 na oras bago ang pag-landfall.

Dapat din umanong may naka-standby na equipment at magpadala ng mga tauhan para sa seguridad, medikal, clearing, evacuation, relief distribution, at pangangailangang pangkomunikasyon.

Sinabi pa ni Malaya, ang mga LGU ay dapat magpadala ng rescue at medical teams sa mga hindi ligtas na lugar sa gitna ng sama ng panahon at pagkatapos ng unos.

Dapat ding may nakahandang power at water supply, pangkomunikasyon, patrol areas at mag-standby para sa clearing operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?