47
346 gov't exec na sumusuporta sa NPA, kakalusin ng DILG
Jun 15, 2019 @ 15:45
By

Mga LGU hinikayat makilahok sa nationwide earthquake drill sa June 20

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) na makiisa sa isasagawang National Simultaneous Earthquake Drill.

Gaganapin ito ng alas-dos ng hapon sa Hunyo 20.

Ayon kay DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya, hindi lang nito masusubok ang kahandaan ng LGU kundi maihahanda rin ang mga tao kung paanong tutugon sa sitwasyon at mabawasan ang pagpa-panic.

Dapat din umanong magsagawa ang LGUs ng infrastructure audit at suriin kung kayang makatagal sa mga kalamidad ang mga public administration building, evacuation center, health facilities, mga kalsada at tulay, water supply systems at iba pang government-owned assets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?