24

Dec 9, 2020 @ 21:48
By

Mga leon nagpositibo sa COVID-19

Na-test na positibo sa COVID-19 ang apat na leon sa isang zoo.

Ayon sa ulat ng Voice of America, apat na leon sa Barcelona Zoo sa Spain ang tinamaan ng virus.

Hindi sigurado ng mga beterinaryo kung paanong nahawa ng sakit ang mga leon bagaman dalawang zookeeper ang nagpositibo rin sa virus.

Sa ngayon ay mayroon lamang umanong mild na ubo at sipon ang mga leon.

Positibo naman ang mga beterinaryo na hindi lalaganap ang infections dahil walang kontak ang mga leon sa iba pang hayop sa zoo.

Magugunitang noong Abril ay apat na tigre at tatlong leon din ang nagpositibo sa Bronx Zoo sa New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?