39
flies
Jun 19, 2018 @ 19:08
By

Mga langaw, namerwisyo sa World Cup

May nakakairitang distraksiyon na nararanasan ang players sa World Cup.

Sa 2-1 win ng England kontra Tunisia nitong Lunes, nilusob ng midges – maliliit na uri ng langaw – ang Volgograd Arena.

Bukod sa laro, naging abala din ang players ng England sa pagbugaw ng langaw habang kasagsagan ng match.

Hindi naman nangangagat ang mga insekto, pero nakakairita kapag lumipad at dumapo sa mukha, sa mata, sa bibig.

Si captain Harry Kane, dinumog ng midges pero nagawa pa ring ibaon ang dalawang goals ng England.

“We got told before that there was going to be quite a lot of flies and when we went out for the warm-up it was a lot more than we all kind of thought,” aniya.

Nag-spray na ng pamatay-insekto bago ang laro at sa halftime, pero hindi pa rin umubra.

“Fairly annoying, but it’s the same for both so you’ve got to get on with it,” iritado ring pahayag ng teammate ni Kane na si Ashley Young.

Kapag ganitong papasok ang summer sa Russia ay dumarami rin ang maliliit na langaw, nanggagaling sa ilog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?