53

Mar 8, 2020 @ 14:31
By

Mga lalaki dapat itaguyod ang karapatan ng kababaihan – Hontiveros

“Ngayong araw, at sa mga araw na susunod pa, men must actively participate in women’s call for justice and equality.”

Ito ang naging pahayag ni Senador Risa Hontiveros ngayong pinagdiriwang ang International Women’s Day.

Sa isang press release, Marso 8, 2020, sinabi ni Hontiveros na dapat kilalanin ng kalalakihan ang kanilang pribilehiyo bilang lalaki, at talikuran na ang kanilang nakagawiang ‘toxic macho traits’ na madalas nagreresulta sa pang-aabuso sa kababaihan.

“Sexual harassment, domestic violence, and rape start with the thought of ownership over women,” wika ng senador.

“Men need to unlearn this entitlement to women’s bodies, clothing and attention. This entitlement results in pervasive gender-based abuses directed at women,” hayag pa niya. “Kailangan I-acknowledge ng mga lalaki na prone sila sa mga traits na ito and yet they also have the power to stop themselves from exercising these traits,”

Sa Pilipinas, isang babae ang ginagahasa kada oras, habang isa sa apat na kababaihan ang nakaranas ng domestic violence o pang-aabuso sa loob ng tahanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?