22

Sep 15, 2021 @ 15:48
By

Mga lakwatsero may magagalaan na sa Maynila

Simula Setyembre 16, implementasyon ng alert level 4 sa Metro Manila ay muling magbubukas sa mga mahilig gumala ang Rizal Park at ang Fort Santiago, Baluarte de San Diego at Plaza San Luis sa Intramuros.

Ayon sa Department of Tourism (DOT) ang Luneta ay magbubukas mula alas-5:00 a.m. ng umaga hanggang alas-9:00 a.m. at 500 bisita lamang ang papayagang magsabay-sabay sa loob ng parke.

Samantala, ang Fort Santiago ay magbubukas mula alas-9:00 a.m. ng umaga hanggang alas-7:30 p.m. ng gabi kapag weekdays at mula alas-9:00 a.m. ng umaga hanggang alas-8:30 p.m. ng gabi kapag weekends.

Hanggang 150 katao lamang ang pwedeng magsabay sa loob nito.

Ang Baluarte de San Diego naman ay bukas mula alas-8:00 a.m. ng umaga hanggang alas-5:00 p.m. ng hapon araw-araw.

Habang ang Plaza San Luis ay bukas mula alas-8:00 a.m. ng umaga hanggang alas-9:00 p.m. ng gabi.

Dagdag pa ng DOT, karamihan sa mga empleyado sa mga naturang pasyalan ay bakunado na kontra COVID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?