437
Mga labi ni Chokoleit, na-cremate na sa Davao
Mar 18, 2019 @ 18:04
By

Mga labi ni Chokoleit, na-cremate na sa Davao

Na-cremate na sa Davao City ang mga labi ng komedyanteng si Chokoleit o Jonathan Garcia sa tunay na buhay.

Ibinahagi ang ilang larawan kaugnay nito ng kanyang nakababatang kapatid na si Gerald Tabanag.

“Kuya, ihahatid na kita today kay Lord. Give my best to Mama ha. By the way Kuya, nakuha ko tong bag na burberry sa cabinet mo. Totoo ba to? I have a feeling hindi‼ Charaught Hahahaha. Regardless, ito gagamitin ko everyday para magkasama tayo araw araw at gabi gabi,” sabi ni Gerald kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?