83

Sep 27, 2021 @ 11:36
By

Mga labi ni Bree Jonson naiuwi na sa Davao, Julian Ongpin no show pa rin

Naiuwi na nitong Linggo ang mga labi ng nasawing artist na si Bree Jonson sa Davao City.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nakaburol ang labi ng 30 anyos na bebot sa isang funeral home sa naturang probinsya.

Kaugnay nito, nagdaos na rin ng novena at misa ang pamilya ng nasawing dalaga.

Ani Sally, ina ni Bree, hindi pa rin dumadalaw ang nobyo ng kanyang anak na si Julian Ongpin.

Ito ay matapos nilang hamunin ang 29 anyos na art patron na magpakita sa burol kung talagang mahal niya ang dalaga.

Nakatakdang ilibing sa Martes si Bree.

Nito lamang nakaraang linggo ng pumutok ang balita tungkol sa artist na siyang natagpuang wala ng buhay sa isang resort sa La Union kung saan sila nag-check in ni Julian.

Natagpuan din ang mahigit 12 gramo ng cocaine sa kanilang kuwarto kung saan pareho silang nagpositbo sa paggamit nito. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?