109

Dec 15, 2017 @ 15:49
By

Mga kundisyon sa 4Ps sinuspinde sa Marawi

Sinuspinde pansamantala ng gobyerno ang mga kundisyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa mga biktima ng krisis sa Marawi City.

Sa Bangon Marawi briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) officer-in-charge Undersecretary Emmanuel Leyco na hindi muna inobliga ang mga benepisyaryo ng 4Ps na sundin ang requirements bagkus ay tuloy tuloy lang ang pagtanggap ng mga ito ng benepisyo para matugunan ang pangangailangan ng mga biktima ng krisis.

Nais aniya ng gobyerno na tuloy tuloy ang pagtanggap ng pondo ng may 12,000 Marawi victims na benepisyaryo ng 4Ps .

Sinabi ni Leyco na tatagal ng hanggang Marso 2018 ang suspension ng mga kundisyon sa 4Ps na nagsimula nitong Nobyembre.

“We have suspended the conditionalities that will allow them to receive even if they are not attending schools or not going to health clinics, or not rven attending the family development sessions,” ang pahayag ni Leyco.

Plano rin ng ahensiya na palawakin ang suspension ng 4Ps requirement pagkatapos ng March 2018.

Sa ilalim ng 4Ps program, kinakailagang masunod ng mga benepisyaryo ang mga itinakdang panuntunan ng ahensiya para makatanggap ng pondo mula sa gobyerno, kabilang na dito ang pag-avail ng pre-natal care ng nga buntis, pagdalo ng family development sessions para sa maayos na pangangalaga sa pamilya, regular check-up at bakuna sa mga bata at regular na pagpasok sa paaralan ng mga anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?